--Ads--

Nasungkit ng isang Filipino-American gymnast mula sa Candon City, Ilocos Sur ang apat na gold at isang silver medal sa naganap na  Junior Women’s Artistic Gymnastics sa nagpapatuloy na 2024 Batang Pinoy National Championships.

Nanalo si Cadyn Nicole Ellorin Nyland ng apat na gold sa Floor Exercise Event, Balance Beam Event, Vault Event at Individual All-Around at silver medal sa Uneven Bars.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Nyland, masaya umano ito dahil lahat ng sakripisyo niya sa pagsasanay ay nasuklian din na kaniyang inaalay sa kaniyang syudad.

Aniya, ngayon lamang ito sumali sa Batang Pinoy kaya kinakabahan at may pagkakataong na-stress pa sa training ngunit aminadong excited sa pagpapakitang gilas nito.

-- ADVERTISEMENT --

Malaki aniya ang tulong sa pagkakapanalo nito ang pakikinig niya sa kaniyang coach kaya naipamalas ang angking galing.

Idinagdag pa nito na marami siyang ini-idolo na gymnast kaya gusto niyang makarating sa Olympiada.