--Ads--

VIGAN CITY – Hindi lubos akalain ng rank 1 2024 Midwifery Licensure Examination na si Bernard Isaac Alido mula University of the Philippines School of Health and Sciences-Leyte na siya ang mangunguna sa exam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Alido, talagang pinaghandaan aniya ang exam ngunit mayroon pa rin siyang mga pag-aalinlangan dahil nahirapan ito sa kaniyang dalawang asignatura.

Halos maiyak umano ito sa tuwa sa naging resulta ng exam at dali-daling ibinalita sa kaniyang mga magulang.

Pagbabahagi pa ni Alido na ikinagulat umano nito ang kanyang pamamalagi sa labor room ngunit sa tulong ng kanyang mga kasamahan, guideance at pagtitiwala sa sarili ay marami itong natutunan.

-- ADVERTISEMENT --