--Ads--
Patay ang isang 54-anyos na ina matapos pagpapaluin sa ulo ng kahoy ng kanyang anak na lalaki sa bayan ng Cervantes, Ilocos Sur.
Ang suspek na isang 24-anyos na may problema umano sa pag-iisip ay sumuko naman sa mga otoridad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Police Captain Alden Isang, Cervantes Police Station, nag-away umano ang mag-ina dahil sa pagputol ng anak sa tanim na kape ng kanyang ina.
Dahil dyan, pinagalitan ng nanay ang kanyang anak kung kaya’t napalo ito ng suspek ng ilang beses sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.
-- ADVERTISEMENT --
Mahaharap naman sa kasong parricide ang suspek.