--Ads--

Biyaheng Thailand ngayong araw ang mga Philippine delegates na kinabibilangan ng dalawang swimmer mula Region 1 para sa 12th Asian Age Group Championships na gaganapin sa Bangkok mula July 17 hanggang 25, 2026.

Ang mga nasabing swimmer ay sina Zyred Phoenix Pajas mula Ilocos Sur at Anton Paulo Dominick Della mula La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Pajas, noong na-qualify siya sa Swimming Championship at Tryouts noong Mayo para sa Asian Age Group Championship ay nagpapasamalamat ito at excited para sa unang pagkakataon na makasali sa international competition.

Ang kaniyang events para sa nasabing kompetisyon at kinabibilangan ng 1500 meter freestyle, 500m freestyle, 400m freestyle, 200 butterfly at 200 meter Individual Medley.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon naman kay Della, hangad nito na makakuha ng medalya kahit na umano hindi na gold dahil malaking bagay na para sa kaniya ang makarating sa international competition at aminado itong magiging mahirap ang laban dahil inaasahan nitong magiging malakas ang kanilang mga kalaban.

Ngunit aniya, ibubuhos nila ang kanilang kakayahan upang irepresenta ang Pilipinas.

Ang events naman ni Della ay kinabibilangan ng 1500m freestyle, 800m freestyle, 400 individual medley, 200 individual medley, at 200m freestyle.

Laking pasasalamat ng dalawang swimmer dahil sagot na umano ng Philippine Aquatics Inc. ang kanilang accommodation, flight ticket at allowance para sa nasabing kompetisyon.