
Dead on the spot ang isang tricycle driver habang natutulog sa kaniyang tricycle matapos itong mabagsakan ng puno ng acacia sa Innanus TODA Parking Area, Dakota Street, Barangay Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur kaninang alas tres ng hapon, August 24, 2026.
Ang biktima ay isang lalake na 45-taong gulang na residente ng nasabing lugar at driver ng Red Rusi tricycle.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PLt. Jenson Refuerzo, OIC ng Sta. Maria Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag patungkol sa nasabing nabuwal na puno sa isang parking area at dalawang tricycle ang nabagsakan kaya agad silang nagresponde.
Aniya, sa pakikipanayam nila sa ilang mga tricycle driver ay napansin umano nila na ang pagbagsak ng puno kaya agad nilang sinabihan ang mga tao doon na lumikas ngunit hindi sila narinig ng biktima dahil nakatulog ito sa loob ng kaniyang tricycle.
Sinabi ni Refuerzo na ang buong punong kahoy ng acacia ay bumagsak sa tricycle na siyang rason kung bakit nagtamo ang driver ng severe traumatic inhuries na sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Naniniwala ang mga otoridad na dahil sa walang tigil na pag-ulan ang rason kung bakit lumambot ang lupa at nabuwal ang nasabing puno.










