
Nanawagan si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na magsagawa ng “thorough investigation” tungkol sa operasyon na isinagawa ng 79th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Toboso, Negros Occidental na kung saan 19 na indibidual ang namatay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Tinio, ang nasabing hakbang ay upang dumami pa ang pagbasehan kung tunay na may nangyaring engkwentro at kung bakit ganoon na lamang karamig sibilyan ang namatay.
Naniniwala si Tinio na hindi lahat ng mga namatay ay miyembro ng New People’s Army dahil ang isa sa mga namatay na si RJ Ledezma ay kakilala pa nitong personal.
Aniya, si Ledesma ay isang journalist na nakabase sa Bacolod kaya naniniwala ito na ginagampanan lamang niya kaniyang trabaho noong nangyari ang insidente.
Iginiit nito na kailangan ng mas malalim na imbestigasyon sa pangyayaring itinuturing niyang massacre dahil sa kabila ng nasabing engkwentro ay kailangan na masigurado na nasusunod pa rin ang mga tuntunin.










