
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng R1AA o Region 1 Athletic Association Meet nagbigay ang Candon City na siyang host, ng libreng beddings at hygiene kits sa lahat ng mga atleta.
Ayon kay Candon City Mayor Eric Singson, palaging problema ng mga atleta ang higaan at pati na rin ang mga hygeine kits kaya naisipan nila ng Schoold Division – Candon na ibigay ng libre ang mga ito.
Iginiit ni Singson na kailangan ng mga atleta na magkaroon ng tamang pahinga at makapag-relax bago ang kanilang mga laro.
Laking pasasalamat naman ng DepEd Regional Office 1 sa Local Government Unit – Candon sa mainit na pagtanggap sa mga atleta sa buong rehiyon uno.
Sa ngayon, mahigit 14,000 na delegates na ang nananatili sa mga Billeting Schools at kanina ay pormal ng nagbukas ang nasabing event.
Ang nasabing regional meet ay nagsimula ngayon araw at magtatagal hanggang Abril 11 ng kasalukuyang taon.










