--Ads--

VIGAN CITY – Palaisipan pa sa mga otoridad kung ano ang motibo at tunay na nangyari sa magkapatid na pinagbabaril- patay ng mga hindi pa kilalang suspek sa Barangay Maynganay Norte, Sta. Maria, Ilocos Sur, gabi ng August 16.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang mga biktimang sina John Glenn Taguibao at Johanes Paul Taguibao na 23-anyos na kapuwa residente ng Barangay Nagtupacan, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Mag-a-ala-una ng madaling araw ng August 17, nakita ang bangkay ni Johanes sa isang bakanteng lote sa Barangay Maynganay Norte na mayroong walong tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang sanhi ng kamatayan nito.

Samantala, ang bangkay naman ng isa pang biktima na si John Glenn ay nakitang nakabaon sa lupa sa nasabi ring barangay.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, hustisya ang sigaw ng pamilya ng mga biktima kasabay ng malalimang imbestigasyong isinasagawa ng mga otoridad.