--Ads--

Nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ng isang babaeng pulis at ang anak nito na parehong natagpuang isinako ang kanilang bangkay.

Unang nakita ang bangkay ng babaeng pulis sa Pulilan, Bulacan noong Enero 24, 2026 na may tama ng bala sa ulo habang ang bangkay naman ng anak nitong si John Ysmael na walong taong gulang ay natagpuan sa Victoria, Tarlac.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Chelito Agbisit, tiyuhin ng pulis na biktima, gumaan umano ang kanilang pakiramdam ngayong hawak na ng mga otoridad ang suspek kaya’t umaasa silang may mananagot sa karumal-dumal na sinapit ng mag-ina.  

Kwento ng tiyuhin ng biktima, nagpunta ang mag-ina sa Novaliches upang ibenta ang kanilang sasakyan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa una aniya ay inakala nilang may iba lamang silang inasikaso ngunit nag-umpisa na silang mag-alala noong hindi na sila makontak hanggang sa matagpuan nang patay ang mag-ina.

Umaasa ni Agbisit na matukoy na lahat kung sino ang mga nasa likuran ng krimen upang makamit nila agad ang hustisya sa pagkamatay ng kaniyang pamangkin at apo.