--Ads--
Hindi naging alintana sa mga residente ng San Emilio, Ilocos Sur ang sama ng panahon upang makapagdonate sa Dugong Bombo New Normal Blood Letting Acitivty.
Matagumpay na nakapagdonate ng dugo ang mga residente mula sa limang barangay na kinabibilangan ng Brgy. Kalumsing, Lancuas, Sibsibbu, San Miliano, Tiagan.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Dr. Joey Bragado sa 100 na successful blood donors sa huling yugto ng nasabing aktibidad sa kanyang bayan.
Sa ngayon mayroon ng kabuuang 1041 successful blood donors sa walong bayan na pinuntahan ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2020.
-- ADVERTISEMENT --