--Ads--

VIGAN CITY – Patay sa pamamaril ang dalawang lalaki habang sila ay nag-iinuman sa Sitio Barbarit, Barangay Cosili East, Bangued, Abra.

Nakilala ang mga biktima na sina Kieft Marty Bona Batalla, 21-anyos, residente ng Sta. Rosa, PeƱarrubia, Abra at si Mark Joseph Ramos Tupasi, 28-anyos, residente ng Barangay Bugbog, Bucay sa naturang lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Police Captain Cerel Gaspili, Deputy Chief of Police ng Bangued Municipal Police Station, nag-iinuman ang mga biktima kasama ang kanilang dalawang katrabaho nang biglang sumulpot ang suspek na galing sa likuran ng bahay na kanilang pinag-iinuman at binaril ang mga biktima.

Nagtamo ang mga biktima ng tama ng baril sa dibdib at ulo na naitakbo pa sa ospital ngunit naideklarang dead on arrival.

-- ADVERTISEMENT --

Caliber 40 ang ginamit sa pamamaril base na rin sa narekobreng lima basyo at isang bala mula sa nakapangyarihan ng krimen.

Hinihinalang lumang-alitan ang rason ng pamamaril na siya namang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kasabay ng kanilang pagtugis sa suspek.