--Ads--
© abrenian.com- Laman ng bag na isinauli ng airport cleaner na si Sixto Brillante

VIGAN CITY – Inuulan ngayon ng papuri at pagkilala ang isang cleaner sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagsauli ng napulot nitong bag na naglalaman ng gadget at cash money na aabot sa halos PHP 500,000.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Sixto Brillante, 38 –anyos na taga- Linasin, Zone 1, Bangued, Abra na airport cleaner ng Manila Allied Management Service Cooperative na naka-base sa Male CR na malapit sa immigration area, hindi umano nito ugali na angkinin ang hindi sa kaniya kaya kaagad niyang isinauli ang bag na napulot nito sa loob ng NAIA.

Nang mabuksan ang nasabing bag, ito ay naglalaman ng iPad at cash money na 7, 300 Euro o aabot sa higit na PHP 430,000.

Aniya, mas maganda umano na paghirapan ang gagastusing pera kaya kahit na malaking halaga ang laman ng bag ay hindi niya ito pinag-interesan.

-- ADVERTISEMENT --

Inisip umano nito na kailangan ng may-ari ang pera kaya isinauli niya ito sa kinauukulan.

Sa ngayon, nasa Lost and Found Section ng Intelligence and Investigation Division ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nasabing bag at ang laman nitong pera at gadget.