--Ads--

Hinamon ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang Office of the Ombudsman, mga senador at kongresista na imbestigahan ang mga flood control project sa Ilocos Norte, na itinuturing na balwarte ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay kasabay ng pagpapakita ni Singson ng mga umano’y ebidensiya kaugnay ng mga pinaghihinalaang ghost flood control project sa nasabing lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Singson, sa tinatayang 5,500 flood control project, nasa sampu lamang umano ang nasimulan, ngunit hindi pa rin natapos, habang ang natitira ay pawang mga ghost project umano.

Dagdag pa niya, palpak at substandard din umano ang mga nasabing proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang nauna nang nanawagan si Pangulong Marcos sa mga nagnanakaw ng pondo ng bayan na mahiya sa kanilang ginagawa.

Gayunman, iginiit ni Singson na ang Pangulo mismo ang dapat umanong mahiya dahil sa umano’y mga iregularidad sa mga proyektong ito.