--Ads--

VIGAN CITY – Nakasabit at wala nang buhay nang matagpuan ang isang walong taong gulang na Grade 2 pupil sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PMAJ. Alexander Dangli, nag-away ang biktima at ng kanyang kapatid na babae na grade 3 pupil dahil ayaw umanong bigyan ng kanyang ate ang biktima sa kinakaing junk food.  

Umuwi umano ang magkapatid sa kanilang bahay hanggang sa nagtaka ang kanyang ina dahil hindi ito nakita ng mahigit kumulang isang oras kung kaya’t agad naman niya itong hinanap.

Natagpuan ang biktima ng kanyang ina na wala nang malay at nakasabit sa ceiling ng kanilang comfort room sa pamamagitan ng nylon rope.

-- ADVERTISEMENT --

Agad naman ibinaba ang biktima at itinakbo sa ospital ngunit hindi na umabot pang buhay.

 Gayunman, patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga kapulisan sa naturang insidente.