Nauwi sa trahedya ang dapat sana’y masayang victory motorcade sa Barangay Suso, Sta. Maria, Ilocos Sur matapos masagasaan ng nagraragasang trak ang limang sasakyan na ikinasawi ng isang election coordinator.
Nakilala ang drayber ng trak na si Jun Robillos Ocampo, 54-anyos, truck driver na residente ng Barangay Pugo, Bauang, La Union.
Ang drayber naman ng motorsiklo na namatay ay si William Tolentino Areola, 44-anyos, residente ng Barangay Ag-agrao, Sta.Maria.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan kay Police Major Macario Dulawan Jr., naghahanda ang mga motorista para sa motorcade habang tinatahak naman ng trak ang pahilagang direksyon nang mag-overtake ito sa sasakyan na nasa kanyang harapan at nawalan ng preno kung kaya’t bumangga ito sa isang motorsiklo na papasok sa national highway at doon na inararo ang apat pang sasakyang na kinabibilangan ng tatlong motorsiklo at isang kulong-kulong.
Pumailalim sa trak si Areola at halos hindi na rin ito makilala dahil sa malalang sugat na tinamo ng kanyang mukha at katawan kung kaya’t naideklara rin itong dead on the spot.
180 meters ang layo ng initial impact hanggang sa lugar kung saan huminto ang trak na umararo sa mga sasakyan.
Sugatan naman ang mga iba pang drayber habang ligtas at walang galos sa katawan ang drayber ng trak