
--Ads--
Inaasahan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na mailalantad na ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa umano’y flood control scandal, kasunod ng kanyang pagkaaresto at pagbabalik sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista, ikinatuwa ng grupo ang pagkaaresto ni Co at umaasa silang ito ay magiging daan upang mapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang flood control project.
Dagdag pa ng VACC, inaasahan din nilang hihingi ng tawad si Co sa umano’y perang nakuha mula sa mga proyekto at magiging state witness siya sa kaso.
Sa pamamagitan nito, ayon sa VACC, makakamit ng bansa ang accountability at transparency, at mapapanagot ang mga may sala.
-- ADVERTISEMENT --










