
Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Pangulo na magpakita ng mas malinaw na pananagutan at kongkretong hakbang sa mga pangunahing isyung kinakaharap ng bansa sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA).
Ayon sa VACC, kabilang sa mga nais nilang marinig sa SONA ang malinaw na pananagutan sa mga flood control projects, lalo na kasunod ng mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Iginiit din ng grupo ang kahalagahan ng pagbibigay-linaw sa kaso ng mga nawawalang sabungero at ang pagpapatibay ng peace and order.
Nanawagan din ang VACC na palakasin ang pananagutan ng Ombudsman at ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang maayos na serbisyo publiko.
Kabilang din sa mga isyung nais nilang mabigyang-pansin ang food security, panukalang ibaba ang edad ng criminal liability, at ang pagpapatupad ng mga hakbang upang mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.
Umaasa ang VACC na maglalatag ang Pangulo ng malinaw na direksyon at konkretong solusyon sa mga isyung direktang nakaaapekto sa buhay ng mga Pilipino.










