Buo ang suporta ng Volunteers Against Crime and Corruption ang binuong Independent Commission on Infrastructure ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., na naatasang mag-imbestiga sa maanomalyang flood control project.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay VACC President Arsenio ‘Boy’ Evangelista, inilarawan niya ang tatlong mga personalidad na bumubuo sa komisyon bilang may integridad at malawak ang karanasan.
Tama lang din aniya na walang politikong kasama sa komisyon upang maiwasan ang conflict of interest dahil sa ilang mga senador na nadawit sa nasabing anomalya.
Maaalalang napangalanan sina dating Department of Public Works and Highways Sec. Engr. Rogelio Singson, Rossana Fajardo na executive ng SGV & Co bilang miyembro ng komisyon.
Sa Baguio City Mayor Benjamin Magalong naman ang naatasang magsilbing special adviser at investigator.
Pinangalanan naman ng presidente si dating Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. bilang chairman ng komisyon.