--Ads--

Pinabulaanan ni dating senador Antonio Trillanes IV ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa na umano’y kabilang siya sa mga nag-harass sa kanya sa Senado.

Ito ay kasabay ng pagdating ni Dela Rosa sa Senado kahapon upang makaboto sa pagpapalit ng liderato ng mataas na kapulungan.

Ayon kay Trillanes sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, hindi totoo ang akusasyon dahil nasa labas lamang umano siya ng session hall upang saksihan ang pag-aresto sa senador.

Binalikan din niya ang naunang hamon ni dela Rosa na sumama siya sa arresting team kung sakaling aarestuhin siya noon, at iginiit na matapang umano noon ang senador ngunit tila takot na sa ngayon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, si Sen. Dela Rosa ay isa sa mga personalidad na iniuugnay sa International Criminal Court (ICC) investigation kaugnay ng kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, bunsod ng kanyang naging posisyon bilang hepe ng Philippine National Police noong panahon ng implementasyon ng war on drugs.