--Ads--

VIGAN CITY – Isang sako nanaman na naglalaman ng 18 na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P120 million ang nakita ng isang mangingisda na palutang-lutang sa dagat, 16.9 nautical miles mula Villamar, Caoayan, Ilocos Sur.

Ayon sa mangingisdang si Edgardo Dalgo residente ng Barangay Bia-o, bayan ng Sta. Maria, noong una ay inakalang basura lamang ang nakitang sako ngunit ito ay nagduda kaya di nag atubiling kinuha at binuksan at tumambad ang ilang mga pakete ng shabu kaya ipinagbigay alam nito sa mga otoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PBGen. Lou Evangelista na Regional Director ng Police Regional Office -1, dahil sa mga nadidiskubreng shabu ay paiigtingin ng mga kinuukulang ahensya ang pagbabantay at pagmonitor upang masiguro na walang ilegal na nangyayari sa probinsya.

Ang mga kontrabando ay mayroong Chinese Markings kaya pinaniniwalaan nilang nahulog lamang habang binabaybay ang karagatang bahagi ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan naman na bibisita ng mga kasapi ng Coast Guard, PNP, PDEA, at government officials sa nasabing lugar upang imonitor kung mayroon pang natitirang mga kontrabando kung saan natagpuan ang mga shabu.

Noong Lunes, June 24 ay natagpuan sa baybayin sa layong 16 nautical miles mula sa Barangay Solotsolot sa bayan ng San Juan ang 24 na pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P163.2 million sa pamamagitan ng apat na mangingisda na residente sa nasabing Barangay.

Sa kabuan ay umaabot sa P280 million na ang shabu na natagpuan sa baybaying bahagi ng Ilocos Sur.