--Ads--

VIGAN CITY – Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa Barangay San Antonio, Candon City, Ilocos Sur, gabi ng August 15, araw ng Miyerkules.

Ang biktima sa nasabing pamamaril ay nakilalang si Paul Valeroso Manzano, 21- anyos, binata, walang trabaho at residente ng nasabing lugar na bibili lamang sana ng kaniyang sigarilyo.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan kay Police Major Andrew Rabang, hepe ng Candon City Police Station, habang naglalakad umano si Manzano, mayroong dalawang nakamotorsiklong lalaki na dumaan ngunit lumiko umano ang mga ito.

Nang makaliko umano ang mga suspek, dito na nila binaril ang biktima na natamaan ang kaniyang tiyan.
Dahil dito, tumakbo ang biktima sa St. Martin de Porres Hospital, Candon City para magpatulong.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Rabang, mayroon na umano silang tatlong anggulong tinitingnan hinggil sa nasabing pamamaril, isa na rito ang pagkakabilang ng suspek sa PDEA drugs watchlist at ang pagkakasangkot nito sa ilang insidente ng nakawan, kasama na ang isyu na mayroon itong naka-away ilang araw bago ang pamamaril.

VC- POLICE MAJOR ANDREW RABANG- CANDON CITY POLICE STATION