
Pasado bilang isang political speech ngunit hindi bilang isang State of the Nation Address (SONA).
Ito ang naging pagtataya ng isang political analyst sa naging SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aniya’y naglaman ng maraming positibong balita at mahahalagang impormasyon.
Gayunman, sinabi ni Atty. Michael Henry Yusingco sa panayam ng Bombo Radyo Vigan na ang SONA ay hindi lamang isang political speech kundi isang mekanismong itinakda ng Saligang Batas upang direktang makausap ng Pangulo ang Kongreso at maipabatid ang legislative agenda ng administrasyon.
Ayon sa kanya, kulang ang talumpati sa pagbibigay ng malinaw na direksyon kung ano ang mga hakbang na dapat isulong ng Kongreso upang matugunan ang mga pangunahing suliranin at pangangailangan ng bansa.
Binigyang-diin pa ng political analyst na mahalagang magsilbing gabay ang SONA sa lehislatura upang matiyak na matutugunan ang mga isyung kinakaharap ng bansa sa pamamagitan ng mga kinakailangang batas at polisiya.










