--Ads--

VIGAN CITY – Karangalan para sa isang swimmer na tubong Ilocos Sur na maging isa sa mga kinatawan ng bansa para sa 33rd Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand sa Disyembre.

Ito ay matapos na nag-1st place si Rising Star Graziella Sophia Ato, 15 years old na taga-Raois, Vigan City sa 10km Open Water Swimming Championships ng Philippine Aquatics, Inc. National Tryout kaya kwalipikado na ito para sa 2025 Sea Games.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Ato, inamin nito na sa kahit nakasali na sa mga international competition ay hindi pa rin maiwasan na ma-pressure dahil siya umano ang pinakabata sa mga kalahok.

Aniya, pinaghahandaan na nila ang kompetisyon dahil ilang taon na silang nagsasanay kasama ng kaniyang coach dahil pangarap nitong makarating sa sea games.

-- ADVERTISEMENT --

Mula pa aniya noong pitong taong gulang si Ato ay lumalangoy na ito sa swimming pool kaya marami na itong nasalihang patimpalak ngunit noong nakaraang taon lamang niya sinubukan na sumali sa Open Water kaya na-qualified sa isang contest sa Hong Kong hanggang sa tinuloy tuloy pa nito at sinubukan sa tryout para sa sea games.

Ibinahagi pa nito na wala umanong problema kahit pa magkasabay ang pag-aaral at training sa swimming dahil sinusiguro niya ang magandang time management upang walang makompromiso sa kaniyang mga ginagawa.