Naniniwala si Abra Vice Governor Maria Jocelyn ” Joy” Valera – Bernos na may halong pulitika ang ipinataw na suspension laban sa kanya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan Kay Vice Gov. Bernos, sinabi nitong wrong timing ang paglabas na suspension lalo pa’t papalapit na ang paghahain ng certificate of candidacy ( CoC).
Ayon Kay VG Joy, maliwanag na paninira ito sa kanyang karakter at reputasyon.
Nagtataka din sila kasama ang kaniyang legal team kung sinong governor ang papatawan ng suspensiyon gayong bise gobernador na siya ng lalawigan.
Nakalagay kasi si desisyon na ipinalabas mula sa opisina ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs na isang Maria Jocelyn Valera – Bernos ang bibigyan ng mahigit Isang taong suspension.
Una na itong ibinasura ng Ombudsman ang kanyang kaso at Tila nakakapagtaka na binuhay pa nila ulit ito.
Nag- ugat ang reklamo laban sa bise gobernadora noong siya pa ang governor ng Abra at kasagsagan ng covid19 pandemic.
Inakusahan noon ni Dr. Voltaire Suares, medical director Dr. Petronillo Suares Sr Memorial Hospital si Bernos ng pang-aabuso sa kapangyarihan, oppression, conduct of unbecoming of a public official nang ipasara o i-lockdown ang ospital.