--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring sunog sa garahe ng Baquiran Funeral Homes sa Barangay Vacunero, Sto. Domingo, Ilocos Sur kung saan namatay ang isang Persons with Disability (PWD).

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay SFO1 Randulf Pescador na Chief ng Investigation and Intelligence Unit ng Bureau of Fire Protection –Sto. Domingo, ang biktima ay isang babae na hindi makalakad at hindi makapagsalita na naiwan na mag-sa sa loob ng quarter ng caretaker dahil umalis ang kaniyang ina habang nagpunta naman sa trabaho ang kaniyang kapatid.

Aniya, dahil sa lakas ng sunog noong nagresponde ang mga otoridad ay inuna nila ang yong lugar kung saan naroon ang biktima ngunit hindi pa rin ito nakaligtas.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa nasabing sunog ngunit mayroon ng sinusundang pattern ang mga otoridad dahil tinanggal na nila ang posibilidad na sa electrical nanggaling ang sunog dahil walang kuryente sa buong 1st District ng Ilocos Sur kahapon, May 7, 2026.

-- ADVERTISEMENT --

Mahigit P180,000 naman ang pinsala ng nasabing sunog dahil karamihan sa mga nasunog ay light materials.