
Hindi aniya nararamdaman ng mga mamamayan ng Amerika ang sinasabi ni US Pres. Donald Trump na maayos ang ekonomiya ng kanilang bansa kasunod ng kaniyang isinagawang State of the Union Address.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International News Correspondent Rene Ballenas na nasa New Jersey, idineklara ni Trump na maganda ang kanilang ekonomiya ngunit taliwas naman ito sa kanilang nararanasan dahil sa tumaas ang presyo ng mga bilihin lalo na pagdating sa pagkain.
Aniya, kinakailangan pa nilang magdoble kayod upang madagdagan ang kanilang pambili sa mahal na bilihin.
Inilahad nito na kung ang taripa ang pag-uusapan, kahit pa man sinadya na para lamang sa international products ay sa mga consumer pa rin ng America ang bagsak ng mataas na bilihin.
Gayunman, inaasahan pa rin ng mga mamamayan na sa lalong madaling panahon ay kanilang maramdaman ang maayos na takbo ng kanilang ekonomiya.










