--Ads--

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na hindi mga consumers ang makikinabang sa temporaryong pagkasuspenso ng excise tax sa mga produkto petrolyo.

Yan ay kasunod ng pag-apruba ng House of Representatives sa 3rd at final reading ng House Bill No. 8418 na magbibigay pwersa kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. na temporaryong tanggalin o suspendihin ang excise tax sa mga produkto petrolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Tinio, mas maigi sana kung matanggal na lang ang excise tax at VAT ng produkto petrolyo at hindi temporaryo upang hindi mahirapan ang mga consumer.

Inihayag nito na posible na magreresulta pa sa “double whammy” ang nasabing hakbang na maaaring mambiktima lamang sa gobyerno at mga consumers dahil ang pagkakasuspenpendi ng excise tax ay nangngahulugang hindi magbabayad ng buwis ang mga oil companies at mababawasan pa ang revenue ng gobyerno, at posible pa umanong hindi ipapasa sa mga consumer ang mas murang presyo dahil wala namang kontrol ang gobyerno sa pagtatakda ng presyo sa mga oil companies dahil deregulated ang bansa.

-- ADVERTISEMENT --