--Ads--

Hindi madali ang naging karanasan ng Rank 3 sa Special Professional Licensure Examination for Professional Teachers Secondary ng isang Overseas Filipino Worker sa Singapore na si Marites Villegas Talape dahil maraming taon ang hinintay bago nito marating ang kanyang mga hangarin sa buhay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Talape, malaking blessing sa kanya ang mapabilang sa mga topnotchers dahil hindi naman aniya ito inasahan na mararating niya ang kanyang pangarap sa buhay.

Isa sa mga naging malaking hamon sakanya ang pagsabayin ang trabaho at pagrereview gayundin ang pagka-delay ng 18 years sa pagtake ng exam sa LET dahil sa birth certificate issues.

Pamilya ang kanyang naging inspirasyon nito dahil aniya ay gusto na niya silang makasama.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtapos si Talape sa Abra State Institute of Science and Technology Bangued Campus noong 2006 sa kursong Bachelor of Secondary Education, major in Filipino.