--Ads--

Patay ang mag-ama sa nangyaring pamamaril sa Barangay Lapting, San Juan, Ilocos Sur kaninang 7:10 ng gabi.

Ang mga biktima ay sina Punong Barangay Bello Joseph Padua Valorozo, 52-anyos at anak nitong si Jumar Sotelo Valorozo, 24-anyos, magsasaka na parehong residente ng Barangay Caronoan, San Juan Ilocos Sur habang hindi nakilala ang mga suspek.

Nakatanggap ng report ang San Juan Municipal Police Station sa nangyaring pamamaril sa national highway sa nasabing lugar kayat nagresponde ang mga ito at napag-alaman na habang nakasakay ang mga biktima sa kanilang Mitsubishi MV 100 van ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga hindi nakilalang suspek na nasakay ng motorsiklo.

Dahil sa tinamong gunshot wounds sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima ay naidala si Kapitan Bello sa Suero General Hospital, Cabugao ngunit naideklarang patay habang ang anak nitong si Jumar ay naidala sa Pira Hospital, Cabugao at nailipat sa Northside Doctors Hospital, Bantay ngunit namatay habang ginagamot.

-- ADVERTISEMENT --

Agad nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station sa kalapit na Police Station para sa dragnet operation.