--Ads--

VIGAN CITY – Tinatayang P163,200,000 ang halaga ng shabu ang nakitang palutang-lutang sa dagat ng apat na mangingisda, 16 nautical miles ang layo sa Barangay Solot-solot, San Juan, Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PMaj. Benjamin Raquedan mula San Juan Municipal Police Station, habang nasa laot ang mga mangingisda ay napansin nila ang isang sako na palutang-lutang kaya kinuha nila ito sa pag-aakalang basura ang laman.

Aniya, idinala nila ito sa pampang ngunit nang buksan nila ay natuklasang shabu ang nilalaman kung kaya agad nilang ipinagbigay alam sa mga kinauukulan.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad ay napansin nilang mayroong Chinese markings ang nasabing kontrabando kaya hinihinala ng mga otoridad na nagiging daanan ang nasabing sakup ng karagatan sa mga ilegal na gawain.

-- ADVERTISEMENT --