--Ads--

VIGAN CITY- “No comment” pa hanggang ngayon ang pamilya ni dating Abra vice governor Rolando Somera ukol sa motibo ng kaniyang pagkamatay.

Ito’y kahit malakas ang paniniwala ng maraming taga Abra na pulitika diumano ang motibo sa pag-ambush sa kaniya sa Marikina noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Pilar, Abra vice mayor Christopher Beroña na bayaw ng dating bise gobernador, hindi muna niyang magbibigay na komento ang pamilya at hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala, naniniwala si vice mayor Baroña na ang pagkamatay ni dating gobernador Somera ay para na ring nawalan ng ama ang bayan ng Pilar.

-- ADVERTISEMENT --

Mahal ng taga-Pilar si Somera dahil kahit wala na siya sa posisyon ay pinagsisilbihan pa rin niya ang mga mamamayan.

Kung maaalala batay sa inisyal na imbestigasyon ay inabangan ng mga hindi kilalang suspek si Somera paglabas nito sa isang cockpit arena at binaril kung saan nagtamo ng tatlong tama ng baril na kaniyang kinamatay.