--Ads--

Inihayag ng isang political analyst na dapat umanong maging maingat sa pagbitiw ng mga salitang may kinalaman sa bantang pagpapabagsak ng kahit anumang armas dito sa bansa.

Kasunod ito ng pagbanggit ni Senador Imee Marcos na may mga hypersonic missiles umano ang China na posibleng mapabagsak sa 25 na lugar na kanilang target.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Atty. Edward Chico, maaari umanong magdulot ng mas mabigat na tensyon ang ginawa ng senador lalo na’t hindi naman maipagkakaila na sa kasalukuyan ay may hindi pagkakaunawaan ang China at Pilipinas dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Bagama’t hindi naman narapat na balewalain ang mga ganitong pahayag, sinabi ni Chico na kailangan ay may malinaw na impormasyon at makipag-uganayan upang malaman ang katotohanan hinggil dito.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag din niya na hindi naman agad-agad na makapagsasagawa ng ganitong klaseng pag-atake ang isang bansa dahil magastos umano ang pakikipagdigma.

Kung sakali naman aniya na totoo ang mga sinabi ng senador ay mas maiging pag-aralan at alamin ang puno’t dulo upang makapaghanda ang bansa sa kung ano man maaaring gawin.