--Ads--

Tinawag ni dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na insulto para kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang naging pahayag ni US Secretary of State Marco Rubio tungkol sa International Criminal Court (ICC) habang ang state visit nito sa  Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Singson, itinuturing ng Amerika lalo na kay US Pres. Donald Trump na illegal ang ginagawa ng ICC na paghuli sa iba’t ibang bansa dahil mayroon umano silang sariling justice system.

Aniya, maraming bansa ang may ayaw sa ICC ta hindi sila sang-ayon sa paghuli sa mga kababayan nila sa kabilang ng kanilang masamang nagawa ay pinilipili umano nilang litisin sa kanilang mga bansa.

Pinaratangan pa nito ang ICC na ginagawa lamang nilang panghanap buhay ang nasabing hakbang kagaya na lamang ang nagyari dito sa bansa dahil naniniwala ito na kasabwat sila sa nakawan sa Pilipinas kaya nila hinuli ni dating Pangulo Rodrigo Duterte at nadala sa The Hague.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit nito na hindi na miyembro ang Pilipinas sa ICC ta napawalang-bisa na ito noong administrasyon pa ni dating pangulong Duterte.