--Ads--

Dalawang gabi natulog sa bukid ang ilan sa mga residente ng Sitio Pandan Mahawak Medellin, Cebu dahil sa takot nilang bumalik sa kanilang tahanan matapos ang magnitude 6.9 na lindol noon gabi ng September 30, 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Arguel Escalicas na residente sa nasabing lugar, dahil sa takot nila at payo ng mga otoridad na huwag munang bumalik sa mga bahay ay napilitan silang natulog sa bukid na kanilang pinuntahan matapos ang lindol.

Aniya, nasa loob siya ng kanilang bahay noong nangyari ang pagyanig kaya ginising nito ang kaniyang kapatid, bayaw at mga pamangkin upang lumabas.

Dahil gabi nangyari ang lindol ay natakot sila sa posibleng mangyari kaya nagpunta na lamang sila sa bukid at wala umano silang nadalang gamut, kundi cellphone lamang ang hawak nila na nagsilbing ilaw sa kanilang dinaanan.

-- ADVERTISEMENT --

Ibinahagi nito na pagdating ng madaling araw ay biglang umulan kaya napilitan na lamang silang gumamit ng plastic at binalot na lamang ang kani-kanilang sarili upang hindi mabasa.

Sa kabila ng nangyari ay laking pasasalamat nito dahil walang napahamak sa kanilang pamilia at partially damage lamang ang natamo ng kanilang bahay.

Aminado ito na kung mayroong nangyayaring aftershocks ay bumabalik sa kanilang ala-ala ang nangyaring malakas na paglindol kaya nakakaramdam pa rin sila ng takot.