--Ads--

VIGAN CITY – Personal na iniabot ni Gov. Ryan Singson ang P100,000 na karagdagang pabuya sa tipster na nakapagturo sa pinagtataguan ng suspek na bumaril-patay sa kapitan ng Barangay 1, Vigan City, Ilocos Sur, noong nakaraang taon.

Kung maaalala, nahuli sa bayan ng Pilar sa Abra si Archie Dela Cruz, No. 2 Most Wanted person sa probinsiya ng Ilocos Sur na siyang suspek sa pagbaril kay Kapitan Purisimo Dante Francisco ng Barangay 3, Vigan City.

Nakasakay noon ng tricycle ang kapitan pauwi sa kanilang bahay nang binaril siya ng suspek.

Noong nakaraang buwan ay una nang ibinigay ng local government ng siyudad ng Vigan at Liga ng mga Barangay ang bahagi ng P250,000 na nakapataw sa ulo ng suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Hinggil dito ay umaasa si Gov. Singson na sa pamamagitan ng mga reward money ay marami pang lalantad na mga tipster upang maresolba ang mga krimen sa Ilocos Sur.