VIGAN CITY – Hindi pa rin umano nakakabangon mula sa trahedya ang mga residente sa tinaguriang “sinking barangay” ng Ilocos Sur sa Zone, Barangay Amguid, Candon City, isang taon na ang nakalilipas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Punong Barangay Henry Rosario, sinabi nito na tuwing sasapit ang pag-ulan kagaya na lamang ngayon, marami pa rin sa kanila ang natatakot at tila bumabalik sa kanila ang nangyari noong August 13, 2018.
Maaalalang halos lahat ng mga nakatayong bahay sa nasabing lugar noon aylamunin na ng lupa matapos na magkaroon ng marami at malalaking bitak ang lupa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa habagat.
Marami sa mga naninirahan sa nasabing lugar ang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil hindi sila maaaring bumalik sa lugar sa banta na tuluyang lamunin ng lupa ang kanilang mga bahay.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang rehabilitasyon sa nasabing lugar at ang pagpapatayo ng mga bahay para sa mga residente sa lugar.