--Ads--

709 na pamilya o 2,170 indibidwal ang apektado sa pananalasa ng bagyong Crising sa Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Rhon Arquelada, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, ang mga apektadong residente ay naibigyanna ng relief packs batay sa direktiba ni Ilocos Sur Governor Jerry Singson.

Aniya, 225 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi sa bayan ng Narvacan, 295 FFPs da Sta. Maria, 9 sa Santiago at 39 sa Vigan City kasamana ang naibigay na hygiene kits at sleeping kits.

Nairekord pa ang apat na partially damaged na bahay at mayroon pa umanong labing pito na infrastructure damage.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkaroon din ng maliit na landslide sa bahagi ng Gregorio del Pilar at mayroon pang mga kalsada na hindi madaanan dahil sa pagtaas ng tubig kabilangna ang Sigay-Salcedo road at Sigay-Gregorio del Pilar road.