--Ads--

VIGAN CITY – Nagpapagaling pa sa Ilocos Sur Provincial Hospital- Gabriela Silang ang lalaking 29- anyos matapos na tagain ng kapatid nito noong gabi ng August 16 sa Zone 2, Barangay Lungog, Narvacan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Police Lt. Rodel Ragasa, hepe ng Narvacan municipal police station, tinaga ng suspek na si Arthur Cabanit Locquiao, 33-anyos ang kapatid nitong si Dominic dahil binastos umano nito ang kanilang ina na si Myrna, 59-anyos nang umuwi itong lasing.

Ayon kay Ragasa, nasaktan umano ang suspek sa ginawa ng biktima kaya hindi na nito napigilan ang sarili na at pinagtataga ang suspek na nakatamaan ng paa nito.

Sa ngayon, nakakustodiya sa Narvacan PNP ang suspek na si Arthur at inihahanda na ang kasong haharapin nito.

-- ADVERTISEMENT --