--Ads--

Dead on the spot ang isang 49-anyos na lalaki sa nangyaring pamamaril sa Barangay Bulala, Vigan City, Ilocos Sur.

Nakilala ang biktima na si Cristobal Alquiza, residente ng Barangay Salindeg.

Ayon sa mga witness, isang blue Jeep type motor vehicle ang pumasok sa eskinita sa nasabing lugar at apat na suspek ang bumaba mula rito.

Matapos ang ilang segundo, sinabihan ang biktima na lumabas mula sa kotse at doon na binaril ang biktima ng tatlong beses.

-- ADVERTISEMENT --

Agad namang tumakas ang mga suspek lulan ng kanilang sasakyan.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ano ang kanilang motibo.