--Ads--

Kasong murder ang kahaharapin ng isang lalake matapos nitong sinaksak-patay ang kaniyang kainuman sa Sitio Palikud, Barangay Sucoc, Narvacan, Ilocos Sur.

Ang suspek ay 39-taong gulang na residente ng Barangay Sucoc, Narvacan habang ang biktima ket 35-taong gulang na residente ng Barangay San Antonio, Narvacan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PLt. Reynald Ramos ng Narvacan Municipal Police Station, naggaling umano sa pangangahoy ang biktima ng dumaan sa isang birthday party at doon nakipag-inoman kasama ang kamag-anak nitong suspek.

Aniya, habang nag-iinoman ay inireto ng biktima sa suspek ang isang babae na kaniyang ligawan at asawahin ngunit nagalit lamang ang suspek dahil kamag-anak niya ang sinasabing babae, kaya’t nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa kanilang pagitan.

-- ADVERTISEMENT --

Umuwi ang suspek at kumuha ng kutsilyo na kaniyang isinuksok sa kaniyang tagiliran at agad bumalik sa nag-iinoman at dito ay lumapit ulit ang biktima at ipinipilit muli ang pag-aasawa ng suspek.

Dahil diyan, tuloyan ng nagalit ang suspek kaya hinugot niya ang kaniyang kutsilyo at isinaksak sa leeg ng biktima.

Naidala sa hospital ang biktima ngunit naideklarang dead-on-arrival habang ang suspek ay nahuli sa kanilang bahay sa naisagawang hot-pursuit operation at nakuha ang kutsilyong ginamit sa krimen.