--Ads--

Isang karangalan para sa isang Pilipino na naging bahagi siya sa Marshal sa meet and greet ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino Community sa Lao PDR.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International News Correspondent Annie Taquiso Inventor, nagkaroon ng abiso ang Philippine Embassy sa Lao kung saan naghahanap sila ng mga lalakeng Marshal sa pagbisita ng presidente ngunit nang nakumpleto ang sampung bilang ay binuksan pa ito para sa mga babae kayat hindi nag-atubiling nagboluntaryo at napili naman ito.

Aniya, nasabihan sila sa mga gagawin para siguruhin ang seguridad sa nasabing event.

Lahat aniya ng pumasok sa event ay mayroon QR Code na siyang nagsilbing entry pass ng mga Pilipinong dumalo.

-- ADVERTISEMENT --

Inilarawan nito na inspiring ang nagging mensahe ng presidente dahil nakasentro ito sa kapakanan ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

Gayunman ay ikinagagalak nito na nagging matagumpay ang pagbisita ng pangulo.