--Ads--

VIGAN CITY – Patay ang isang inmate ng Vigan City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Ayusan Sur, Vigan City, Ilocos Sur matapos itong ma-heat stroke dahil sa init ng panahon at siksikan sa loob ng kulungan.

Base sa imbestigasyon, idinadaing ng mga kasamahan ng biktima na si Jerick Castro Sulit, 43-anyos na taga-San Rafael, Bulacan, ang paninikip ng kanilang dibdib dahil sa init ng panahon.

Dahil dito, kinuha ang kanilang mga blood pressure at napag-alamang normal naman ang mga ito hanggang sa makita nila ang biktima na nahihirapan nang huminga.

Agad itinakbo sa ospital ang biktima ngunit hindi na naisalba pa ang kanyang buhay.

-- ADVERTISEMENT --