--Ads--

VIGAN CITY – Ikinaalarma ng Ilocos Sur provincial government ang sunod-sunod na pagkakatagpo ng mga mangingisda sa lalawigan sa milyun-milyong halaga ng shabu sa mga baybayin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Governor Jerry Singson, nakausap na nito ang provincial director ng kapulisan at ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno upang tuklasin kung sino ang may pakana ng mga natagpuang iligal na droga.

Tiwala ang gobernador na may rason kung bakit natatagpuan ang mga iligal na droga kung kaya’t nais nitong malaman kung ito ba ay sinadyang iwan o napadpad lang sa baybayin.

Hiling naman ng opisyal ang pagkakaisa ng mga Ilocos Surian na tumulong sa mga otoridad upang malaman kung sino ang mga konektado rito nang sa gayon ay maiwasan ang posibleng pagkasira ng kapayapaan sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --

Hinangaan naman nito ang mga mangingisdang nagbigay sa mga otoridad ng kanilang mga natagpuang droga at hiling nito na tularan ang kanilang inisyatibong ipagbigay-alam sa mga otoridad kung sila rin ay makatuklas ng ganitong insidente.

Sa ngayon, aabot na sa PHP400M ang halaga ng mga nakuhang iligal na droga mula sa baybaying sakup ng taltlong barangay sa lalawigan.