--Ads--

Umaabot na ng mahigit limang daang pamilya ang inilikas kasabay ng isinagawang pre-emptive evacuation mula sa iba’t-ibang Local Government Unit sa lalawigan ng Ilocos Sur sa kasagsagan ng bagyo Kristine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Governor Jerry Singson, ang mga nasabing pamilya ay kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers na karamihan sa mga ito ay mula sa mga coastal areas.

Tiniyak ni Singson na nakahanda ang Ilocos Sur Provincial Government sa paghatid ng tulong sa mga apektadong residente.

Maliban diyan, nanawagan ang gobernador sa mga residente na maging alerto, maghanda at maging updated lagi sa kalagayan ng panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Payo nito sa mga residente na kung kinakailangan naman umano ay lumikas nang mas maaga sa mas ligtas na lugar.

Laking pasasalamat naman ng opisyal na nakapag-ani ang mga magsasaka bago pa dumating ang bagyo.

Wala pang naitatalang damages sa mga kabahayan dulot ng bagyo dito sa lalawigan maliban lang sa nangyaring pagguho ng lupa sa bayan ng Cervantes.

Sa ngayon, nananatili pa rin nakataas sa signal no 3 ang ilang mga lugar sa lalawigan.