--Ads--

Hindi naging biro ang pinagdaanan ni para-swimmer Ernie Gawilan bago makamit ang gintong medalya sa Asian Para Games.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Gawilan, kinailangan niyang harapin ang kompetisyon sa kabila ng mild injury sa kaniyang kanang kamay.

Gayunman, naging malaking tulong umano ang husay ng kaniyang coach upang mairaos niya ang kompetisyon.

Masaya rin si Gawilan dahil sa edad na 35, nagawa pa rin niyang maitala ang oras na mas mababa sa limang minuto sa 400-meter freestyle event, na aniya ay patunay na kaya pa niyang makipagsabayan sa kompetisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos ang kompetisyon, sinabi ni Gawilan na magpapahinga muna siya bago muling bumalik sa kaniyang pagsasanay.

Nagpasalamat naman ang nasabing para-athlete sa suporta na ibinibigay sa kanila ng Philippine Sports Commission.