--Ads--

Time management ang naging susi ni Kyra Rebula sa pagkakamit ng ikalawang pwesto sa mga topnotchers ng Licensure Examination for Teachers (LET) 2026 na may 95 percent na rating.

Ayon kay Rebula, hindi niya inaasahan na mapapabilang siya sa mga topnotchers dahil ang tanging tiniyak lamang niya sa sarili ay ang makapasa sa naturang pagsusulit.

Bonus na lamang aniya ang pagkakamit ng mataas na ranggo.

Dagdag pa niya, naging hamon sa kaniyang paghahanda ang pagrerebyu dahil isa na siyang full-time teacher, kaya kinailangan niyang mahusay na pamahalaan ang kaniyang oras upang mapagsabay ang trabaho at pag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, magpapatuloy siya sa pagtuturo sa St. Paul College of Ilocos Sur at bukas din aniya siyang tanggapin ang anumang oportunidad na maaaring dumating sa kaniyang karera.

Si Rebula ay nagtapos bilang Summa Cum Laude sa nasabing paaralan.