--Ads--

VIGAN CITY – Kinumpirma ni dating locos Sur Governor Luis Chavit Singson na tatakbo ito bilang senador sa 2025 midterm election.

Ayon kay Singson, noon pa lamang ay marami na ang nagsasabi sakaniya na tumakbo sa nasabing posisyon ngunit binabalewala na lamang nito dahil sa kaniyang edad.

Aniya, hinikayat siya ni dating Presidente Rodrigo Duterte na tumakbo at ipinangako nito ang suporta ng buong Mindanao kaya malaking karangalan para sakaniya ang pagtitiwala sa kaniyang kakayahan.

Nang nakapag-isip isip ay nagpaalam muna ang dating gobernador ng Ilocos Sur sa kaniyang pamilya, Local Government Units, Mayors League at Governors League para sa pagtakbo bilang senador.

-- ADVERTISEMENT --