
Matagumpay ang isinagawang Diamond Jubilee of the Canonical Elevation of the Diocese of Nueva Segovia into an Archdiocese sa Metropolitan Cathedral and Parish of the Conversion of St. Paul sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ang nasabing selebrasyon ay pinangunahan ni Archbishop David William Antonio na Archbishop iti Nueva Segovia at nagbahagian ng homily ni Cardinal Orlando Beltran Quevado ng Archdiocese of Cotabato.
Dumalo sa makasaysayang event sina Most Rev. Charles John Brown na Apostolic Nuncio to the Philippines at His Eminence Jose Advincula ng Archbishop of Manila gayundin ang mga Obispo at pari mula sa iba’t ibang diocese.
Sa naging mensahe ni Most. Rev. Charles Brown, , iginiit nito ang halaga ng selebrasyon dahil sa tuloy-tuloy na “growth” at “expansion” ng pananampalataya ng katoliko sa Northern Luzon dahil sa pagiging archdiocese ng Nueva Segovia.
Aniya, dapat lamang na magpasalamat sa Diyos sa patuloy na paglaganap ng pananampalataya sa northern Luzon sa loob ng 75 years.
Iginiit naman ni His Excellency Marlo Peralta na hindi lamang umano ito paalala ng mayamang kasaysayan bagkus ito ang magpapatuloy ng kaisang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal.










