--Ads--

Limang milyong pisong reward ang nakatakdang ibigay ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson para kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at sa pamilya nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Singson, nais umano niyang tanggapin ni Yulo ang reward na kasama ang kanyang pamilya upang mabigyan muli sila ng pagkakataon na magkakasama.

Aniya, ang reward ay hindi lamang dapat para sa pagkapanalo ni Yulo sa Olympiada kundi tribute na rin sa pamilya nito.

Inaasahan ng dating gobernador na magsisilbi umano itong inspirasyon sa lahat ng pamilya na pahalagahan ang pagkakaisa at pagsuporta sa bawat myembro ng pamilya sa panahon ng hirap at ginhawa.

-- ADVERTISEMENT --

Kinilala pa nito ang pamilya bilang pundasyon sa tagumpay ng bawat tao at ang bilin ng Diyos na igalang ang mga magulang.

Mensahe naman nito kay Yulo na isantabi na ang napag awayan ng kanilang pamilya noong nakalipas at patawarin na niya ang kanyang mga magulang..