VIGAN CITY – Ipinaliwanag ng dating Bayan Muna Partylist Representative na magkakaiba umano ang ipinaglalaban ng mga leftist groups sa bansa.
Ito ay may kaugnayan sa mga balitang mayroong mga estudyante sa mga state universities and colleges na na-recruit ng mga leftist groups.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Atty. Neri Colmenares, sinabi nito na magkakaiba umano ang ipinaglalaban ng bawat makakaliwa o leftist group.
Kagaya na lamang umano ng GABRIELA na ang itinataguyod ay ang karapatan ng mga kababaihan at ng kanilang mga anak at ng League of Filipino Students na karapatan naman ng mga mag-aaral sa bansa ang kanilang ipinaglalaban.
Kaugnay nito, hinimok ni Colmenares ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak na sa murang edad pa lamang ay hindi na ang pansariling interes ang kanilang iniisip kundi mulat na sila sa mga kailangan ng kanilang mga kababayan.